Sa kanya ko madalas mabasa ang mga salitang semiotics, iconography, semiology, phenomenology at unang nalaman ang salitang doppelganger. May deskripsyon siya sa lahat ng anumang namamasid ninuman. Mula sa pagkamatay ng isang kasambahay tulad ni Carmen Bachiller (1995), anim na artikulong naisulat patungkol sa pag-aalaga sa mga pusa, pagkahumaling niya sa creative workshops, hanggang sa mga detalye ng ating kasaysayan na kanyang itinatampok buwan-buwan, masisilayan rin ang tuwirang paggamit niya ng teknikong stream of consciousness.
Nakituwa ako sa kanya at naramdaman ko ang kanyang lubos na kagalakan ng marinig mula sa presidente ng Pilipinas ang uri ng pagpapahalaga na inialay nito sa mga manunulat - “Caring for our artists means nurturing our national soul and safeguarding our heritage for artists are as much a national resource as our our national wealth – our mountains, rivers, lakes and forests – and it is just right that they are called national treasures because they ennoble our lives and enrich our experience.” Naipahayag ang mga salitang ito sa harap ng mga pambansang artista tulad nila Nick Joaquin, NVM Gonzales, Francisco Arcellana at Levi Celerio noong 1998. Agosto 19 sa tanyag na lugar ng Manila Hotel, at kagaya nila, ang ating makata ay naroroon habang isa-isang inilalahad ng pangulo ang pagnanasang magkaroon ng literary renaissance sa bansa.
Makalipas ang tatlong taon at sa edad na 60, binanggit niya na hindi na lamang siya kolektor bagkus ay isang bibliophile at mapili na ngayon sa mga librong binibili at tinatanggap. Winika niya: “as for me, I spend much of my time continuing my pursuit of books, a hobby I started when I was in college. But I am no longer, a mere collector – I am now a bibliophile.”
Matuto sa mga maiikli ngunit siksik sa laman na mga artikulo patungkol sa tula at pagsulat nito tulad ng The Borders of a Poem, The Teaching of Poetry, Some Errors in Poetic Construction, Imagism in Poetry, Some Strategies in Teaching Poetry Writing, at marami pang iba.
Inilarawan niya sa kanyang tulang To define is To Know ang kahirapang natamo noong mga bata pa silang limang magkakapatid at kung paano haharapin ang mga pulitiko sa panahon ng eleksyon – Look, my father said, they are giving us back some of what they took away from us! Nararapat din na malaman ng mga mambabasa ang kuwento tungkol kay Anselma Carpio (mangkukulam ayon sa iba), isang manggagamot sa panahon ng kanyang kabataan ay lubhang itinatangi ng ating makata – She was the only sane person in my insane world, outside of my father, and her demise, I knew would leave me devastated. Bagaman di pa niya lubusang nauunawaan, kay Selma, mainam ang kalidad ng kaluluwa at di ang kagandahang pisikal – Now don’t’ run home and start cutting up your belly to know what I mean. Those parts of the anatomy have a power that influences the course of a man’s life.
Basahin ang mga iba pang detalye sa kanyang Notes on the Literary Life (2001) na may limang bahagi sa pamamagitan ng kanyang kolum na Breaking Signs sa Philippine Panorama. Sa huling talata ng Notes on the Literary Life, uulit-uliting babasahin ng sinuman, tulad ng pamamaraang ginamit ni Robert Frost sa kanyang Stopping By the Woods on a Snowy Evening at wiwikain ng sinumang magsusulat at nagsusulat –
the writer cannot stop writing.
He may slow down a little, but he never comes to a complete stop.
Writing has already taken control of his system and he cannot do anything about it.
He has ink in his vein and poetry in his brain.
It will always be so.
Naisulat ang Sino Siya? habang inilalahok ng manunulat ang mga bibliographic details sa Innovative Millenium ng DLSU at nabuo ito sa pagnanais na gamitin ang biyayang matatamo mula sa konsepto ng Creative Archiving na isa sa mga paksa o tema sa naganap na Parallel Session-workshops on Library & Web Services 2011 noong Agosto, 2010 sa Holy Angel University, Angeles City, Pampanga.
Wednesday, October 13, 2010
Wednesday, June 2, 2010
Bien, Bien sa Laybrari ng DLSU
Terapyutik ang tagiktik ng musika sa espasyong ito ng laybrari para kay Bien (1911-1996). Dito maaring makaniig ng mambabasa, mapanood at marinig ang walumput-limang taong gulang na manunulat na hayag ang kanyang mga sentimiyento, hiling at hangad na masasalamin sa kanyang mga naisulat – bahagi na ng Panitikan ng Pilipinas sa Wikang Ingles.
Dalawa sa kanyang mga nobela - What the hell for you left your heart in San Francisco at Villa Magdalena- ay kasalukuyang on-loan habang tatlumput-walo ang aveylabol na masusulyapan sa http://lib1000.dlsu.edu.ph/search/a na mayroong 63 porsyentong HIGHLY RELEVANT ENTRIES; 14, MOST RELEVANT ENTRIES; at, 23 na RELEVANT ENTRIES.
May kalungkutang hatid, kita sa dingding at naiilawan ang ikalawang taludtod ng tulang Paper Boat Poems na pinamagatang Maiden Voyage mula sa popyular niyang Scent of Apples: A Collection of Short Stories (1979) at ayon dito ay di kailanman kaya ng isang bangkang papel na maihatid pabalik sa kanyang tahanan ang wala nang buhay.
Nakakahon sa glas ang kanyang clay bust at sa ilalim nito ay ang kanyang mga obra - mga nobela, The Volcano (1965); Villa Magdalena (1965); The Praying Man (1977); The Man Who (Thought He) Looked Like Robert Taylor (1983); at What the Hell for You Left Your Heart in San Francisco? (1987; mga tula The Wounded Stag (1956); Distances in Time (1983); koleksyon ng mga maikling katha, Scent of Apples; Memory’s Fictions: A Personal History (1993), Postscript to a Saintly Life (1994), Letters: Book 1 (1995) at Book 2 (1996).
Labing-anim (16) na libro lamang ang kinakailangan upang makitaghoy, damhin ang dalamhati, maging mausisa sa mga sentimyento, hiling at hangad ni Manong Bien: apat (4) ay otobayograpiya; dalawang (2) koleksyon ng mga tula; limang (5) koleksyon ng mga maiikling kuwento tulad ng You Lovely People (1955), Brother, My Brother (1960), The Day the Dancers Came (1961), at Dwell in the Wilderness (1985); at limang (5) mga nabanggit na nobela.
Ang pagkakataong mabasa ang librong isinulat ni Isagani R. Cruz na may pamagat na The Lovely Bienvenido N. Santos ay paghahandog ng oras upang makilala ng lubusan ang isang pensyonado ng kanyang panahon. Mga siyamnapung porsyento sa aklat na ito ay mga salita mula mismo kay Ginoong Santos (WikiPilipinas). Malalaman din dito ang nakatutuwang sagot ni Bien kung bakit di siya nagawaran bilang isang National Artist, at anong nobela ang naghatid sa kanya upang manatili sa Estados Unidos upang maiwasan ang posibleng pagka-aresto.
Nabanggit ni Bien kay Fabia na ang mga babae sa Pilipinas ay may takot sa Diyos, tapat, mahinhin at mabubuti. Maiinam na mga salita at kapahayagan lamang ang mahihinuha sa mga pagsasalarawan ni Bienvenido Nuqui Santos patungkol sa kapwa Pilipino at sa bayang Pilipinas. Di mararamdaman o mapapanagimpan ang anumang anyo ng poot o galit bagkus pagkalinga, pagbabalik-tanaw o paglalambing sa angking nakaraan o kanyang pangarap o nais na maunawaan. (I want to be understood -Bienvenido N. Santos)

Subscribe to:
Comments (Atom)